SA ISINAGAWANG online poll ng Most Beautiful Woman in the World, muling nangabog ang Kapamilya actress na si Liza Soberano sa mga kapwa Pinay na sina dating Ms. Universe Catriona Gray at Viva artist na si Nadine Lustre pagdating sa pagandahan.
Katunayan, sa naturang listahan, tinalbugan din niya ang mga Hollywood celebrities na sina Gal Gadot at Selena Gomez.
Sa nasabing list, tatlong iba pang Pinay ang nakapasok: sina Catriona Gray, Gabbi Garcia at Nadine Lustre bagama’t hindi sila nakapasok sa top 10.
Nanguna si Liza sa choice ng netizens, samantalang si Lalisa Manoban ng Thailand ang sumunod sa kanya.
Nasa third spot si Urassaya Sperbund ng Thailand samantalang sina Kim Jisoo at Kim Jennie ang nasa pang-apat at panglimang puwesto.
Number six naman sina Selena Gomez samantalang number seven si Deepika Padukone ng India.
Eight placer si Tzuyu ng Taiwan. Number nine naman ang Wonderwoman star na si Gal Gadot at number ten ang Hollywood actress na si Lily Collins ng Great Britain.
MTRCB CHAIR RACHEL ARENAS NAGMAMALASAKIT SA FILM INDUSTRY
TULAD ng kanyang inang si Deputy Speaker Baby Arenas, aktibo na sa mga kawanggawa at iba pang cause-oriented organizations si MTRCB Chair Rachel bago pa man siya ma-appoint noon ni Pangulong Duterte.
Bukod dito, napakalawak na rin ng kanyang karanasan dahil nakapagsilbi na siya sa apat na pangulo: kay Erap, GMA, Noynoy at ngayon nga ay kay Digong.
Bilang MTRCB chair na nasa kanyang ikatlong taon, gusto ni Rachel na palaganapin pa ang matalinong panonood at dalhin ito sa barangay level para mas maging malawak ang sakop nito at maraming Pinoy ang makinabang.
Pamilyar din si Rachel sa entertainment industry. Kilala rin niya ang mga stakeholders sa showbiz.
“Actually, I want to involve all the stakeholders para pag-usapan pa on how we can help each other and collaborate. Gusto ko rin sanang magkaroon tayo ng mas maraming Tagalog movies,” pahayag niya.
Todo rin ang suportahan niya sa mga Pinoy filmmakers na nagbibigay ng karangalan sa bansa sa mga international film festivals.
“Napakagaling ng ating mga filmmakers at hindi sila nahuhuli sa ibang bansa, kaya dapat lamang na mabigyan sila ng suporta para mas ma-inspire pa silang gumawa ng mga dekalidad na mga pelikula”, aniya.
Labis-labis din ang suportang ibinigay niya sa Metro Manila Film Festival sa pamamagitan ng kanilang online show na “MTRCB Uncut”.
Comments are closed.