MULI na namang bumida ang TC Candler, isang pinagpipitaganang ‘professional film critic’ at creator ng inaabangang 100 most beautiful faces list na nagsimula pa noong 1990, nang maglabas sila ng listahan ng Most Beautiful Women’s Faces’ for 2018.
Sa nagdaang taon, pasok sa listahan ang Kapamilya actress na si Liza Soberano.
Ito ang ikaapat na pagkakataon na napasama siya sa nasabing listahan.
Dahil sa sunod-sunod na pagkilala sa kanya sa loob ng apat na taon, iniluklok na siya sa Independent Critics’ Hall of Fame.
Kasama rin sa pumasok sa listahan ay sina Nadine Lustre na mula ika-78 spot noong 2017 ay umalagwa sa ika-70 puwesto at Jessy Mendiola na sa 71st place ay ini-rank sa 55th spot.
Magiging abala si Liza ngayong taon dahil bukod sa “Darna” ay ginagawa niya ang balik-tambalan nila ni Enrique Gil, isang untitled rom-com na ididirehe ni Antoinette Jadaone sa ilalim ng Black Sheep na siyang nag-produce ng smash hit na “Exes Baggage”.
BEA BINENE MAS GUSTONG MAG-SOLO
KUNG bibigyan siya ng choice, mas feel ng Kapuso teen actress na si Bea Binene na wala siyang ka-loveteam.
“Gusto ko kasing patunayan na kaya kung tumayo kahit wala akong ka-love team,” aniya. “Actually, prerogative din naman siya ng network at personal na desisyon na rin ng artista. Ako, dumaan na rin kasi ako sa stage na iyan,” dugtong niya.
Paliwanag naman niya, hindi naman siya kontra sa pagkakaroon ng ka-love team.
“May mga pros and cons naman siya. Kasi kung part ka ng loveteam, iyong partner mo at ikaw ay puwedeng maghilahan o magtulungan. Kumbaga, may partner in crime ka,” ani Bea. “Dumarating din kasi siya sa punto na sobrang naa-identify ka na sa ka-partner mo. Tapos, kapag nakita ng fans at nagsosolo ka, hahanapin sa iyo kung nasaan iyong ka-love team mo. Iyong iba, ‘pag nakita ka, nadi-disappoint kasi expected nila na lagi kayong magkasama. Para siyang buy-one, take one promo,” dagdag na paliwanag niya.
Huling napanood si Bea sa teleseryeng “Kapag Nahati ang Puso” kung saan nakasama niya sina Benjamin Alves at Sunshine Cruz.
Naipareha na rin siya sa iba’t ibang leading men tulad nina Jake Vargas at Derrick Monasterio.
Nasa cast din si Bea ng pelikulang “Ang Sikreto ng Piso” na balik-tambalan ng mag-asawang Ariel Rivera at Gelli de Belen
Comments are closed.