LIZADA NG LTFRB BAGONG CIVIL SERVICE COMM

duterte

ITINALAGA kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Land Transportation and Franchising and Regulatory Board (LTFRB) board member Aileen Lizada bilang bagong commissioner ng Civil Service Commission.

Ang appointment papers ni Lizada ay may petsang Nobyembre 9, 2018 at papalitan niya ang nag­retirong si Commissioner Robert Martinez. Maninilbihan si Lizada hanggang Pebrero 2025.

Samantala,  si Agriculture Assistant Secretary Waldo Reyes Carpio ay hinirang na Undersec­retary ng nabanggit na kagawaran.

Si Carpio ay kapatid ni presidential son-in-law ni Pangulong Duterte na si Atty. Maneses Carpio na asawa ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Kasabay nito ay inilabas na rin ang appointment papers nina Ruth Marie Isip-Equipaje at Cesar de Guzman bilang mga bagong board member ng Nayong Pilipino habang si Teresita Cruz-Daze ay itinalaga naman bilang Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary for the Republic of Chile.  EVELYN QUIROZ

Comments are closed.