UMAMIN sina Liza Soberano at Enrique Gil na seryoso na nilang pinag-uusapan ang pagpapakasal. Pero sa totoo lang, hindi pa raw siya engaged. Sa ngayon daw dinadahan-dahan nila ang pagpapasya tungkol dito dahil panghabambuhay ito.
Inuuna raw muna ang pagtatayo ng negosyo para maging secured ang bubuuin nilang pamilya. Kailangan umanong planuhin nilang mabuti ang future.
Pitong taon nang magkasintahan sina Enrique, 29, at Liza, 23. Ngayong taon, itinayo nila ang negosyong HKT Essentials, na nagbebenta ng affordable rubbing alcohol.
Paminsan-minsan, pinag-uusapan raw nila ang kasal, pero hindi pa sa ngayon lalo pa nga at pandemya ngayon. Bata pa naman si Liza at makapaghihintay ito hanggang masiguro nilang stable na ang kanilang future. Sa ngayon, wala munang regular acting projects ang dalawa dahil umiiwas silang makasagap ng coronavirus. Isa pa, abala sila sa kanilang entrepreneurial ventures. Gusto raw muna nila itong palaguin. Bukod dito, may tatlong negosyo pa silang gustong itayo.
Kung ikakasal sila, pinag-uusapan daw nila kung ito ay beach wedding o church wedding. Gusto raw kasi ni Liza ang beach wedding, pero mayroon daw silang fan na nakikiusap sa kung pwede ay sa simbahan sila ikasal.
Biro naman ni Enrique, malamang, dalawang beses silang ikakasal ni Liza – beach wedding at church wedding, para walang magtatampo. – KAYE NEBRE MARTIN
549862 139816Hello DropshipDragon provides dropping for quality, affordable products direct from China to your customers. Perfect for eBay sellers and website owners alike! 903257
855639 561412Sweet website, super pattern , real clean and utilize genial . 911466