LOAN NG MGA PULIS MAY 30-DAY EXTENSION SA PAYROLL DEDUCTION

Gen Bernard Banac

CAMP CRAME -NAGPATUPAD ang PNP-Finance Service ng 30 araw na moratorium para hindi kaltasan ang suweldo ng mga pulis na may utang sa anim na accredited financial institutions ng PNP.

Ayon kay PNP Spokesperson Brig.Gen Bernard Banac, iniutos mismo ito ni PNP Chief General Archie Francisco Gamboa para tumaas ang take home pay ng mga pulis lalo na ngayong umiiral ang enhanced community quarantine.

Aniya pa ang hakbang na ito ng PNP ay naaayon na sa Republic Act 11469 o ang Bayanihan to Heal as One Act.

Samantala, ang anim na financial institutions na accredited ng PNP ay ang Armed Forces and Police Savings and Loan Association Inc. (AFPSLAI), Public Safety Savings and Loan Association Inc. (PSSLAI), Air Materiel Wing Savings and Loan Association Inc. (AMWSLAI), PNP Provident Fund, Public Safety Mutual Benefit Fund Inc. (PSMBFI), at Armed Forces and Police Mutual Benefit Fund Inc. (AFPMBAI). REA SARMIENTO

Comments are closed.