IDINEKLARA ng Pasig City Government ang Localized Enhanced Community Quarantine sa Ventura Compound F. Mariano Street Barangay Dela Paz ng nasabing lungsod.
Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, ang naturang desisyon ay dahil na rin sa mataas na bilang ng mga positibong kaso ng COVID-19 kasama na rito ang suspected probable cases sa mga compound.
Paliwanag ng alkalde, papayagan naman umano ang mga residente na makalabas kung ang mga ito ay nagtatrabaho at may emergency cases.
Dagdag pa ni Sotto, magpapadala naman ng mga food pack ang Pasig City Government sa maaapektuhan ng lockdown.
Base sa datos ng Pamahalaang Local ng Pasig, sa Barangay Dela Paz ay may 25 kumpirmadong positibo sa COVID-19, 7 ang nakarekober, 2 ang nasawi at 16 ang aktibong kaso.
Nauna rito, noong linggo sinimulang isailalim sa Localized ECQ ang ilang kalye sa Barangay Manggahan kabilang ang Pipino, Labanos, Okra Ubas at Barangay Napico sa Lungsod ng Pasig. ELMA MORALES
Comments are closed.