LOCKDOWN BARANGAYS AYUDAHAN MULI – YAP

REP ERIC YAP

NAKIKIUSAP si ACT-CIS Cong. Eric Yap sa mga lokal na pamahalaan na bigyan muli ng ayuda o pagkain ang residente ng mga barangay o lugar na kanilang ila-lockdown dahil sa muling pagdami ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases sa kanilang nasasakupan.

Ayon sa mambabatas, “Anong kakainin nila if nasa bahay lang sila for one week or two weeks at wala silang income pambili ng pagkain?”

“Dapat magbigay na naman ng bigas at delata ang LGUs (local government unit) sa bawat pamilya,” dagdag pa ng mambabatas.

Sinabi ni Yap na hindi naman lalabas ang mga tao kung may makakain lang sila sa loob ng bahay habang naka-lockdown ang kanilang lugar.

Sang-ayon naman si Yap sa lockdown ng mga barangay kung kinakaila­ngan para mapigilan ang pagdami pa lalo ng virus sa isang lugar.

Subalit paglilinaw ng mambabatas, kailangan bigyan naman ng gobyerno ng ayuda ang mga lugar na muling isasailalim sa lockdown. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.