MAMAMAHAGI ang pamahalaan ng cash assistance sa pinakamahihirap na residente sa Metro Manila bago ang Huwebes Santo sa gitna ng pinaiiral na enhanced community quarantine sa buong Luzon para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), may 18 milyong pamilya sa Luzon na pinili ng mga barangay official bilang benepisyaryo ang tatanggap ng tig-P8,000 sa ilalim ng Bayanihan Heal as One Act.
“Dito sa NCR, starting today and before the Holy Week, Thursday e talagang tuloy-tuloy na iyong rollout,” pahayag ni DSWD Secretary Rolando Bautista.
Ang pamamahagi ng tulong sa mga probinsya ay naantala dahil sa hirap na pagsama-samahin ang mga datos sa mga benepisyaryo mula sa island towns.
“The DSWD revised its protocol to allow the distribution pending the submission of requirements,” ani Bautista.
Ayon kay Bautista, maaaring tumawag ang publiko sa hotline 8951-2803 para sa mga reklamo kung hindi nakasama sa cash aid.
“‘Wag po tayong mag-alala dahil sisiguraduhin po ng executive Cabinet secretaries na gagawa po ng paraan para ma-ensure natin na lahat ng qualified target beneficiary e mabibigyan po ng cash amelioration program,” aniya.
Comments are closed.