DISMAYADO at posibleng magpairal ng lockdown si Mandaluyong City Mayor Carmelita “Menchie”Abalos dahil sa loob ng dalawang araw ay biglang lumobo ang bilang ng mga nahawaan ng COVID-19.
Sa naging pagpapasimula ng Sinovac vaccination sa mga health worker kamakalawa sa nasabing lungsod ay sinabi ni Abalos na:
“Akoy medyo nadidismaya,Tumataas for I think last 2 days from 160 ngayon naging 242. Dalawang araw na medyo pataas talaga that’s why medyo siguro kinakailangan maglolockdown kami ng
ibang mga condos and mga streets,” pahayag ni Mayora Abalos, na aniya ay hindi naman ipaiiral ang citywide lock-in kundi mga kalye lamang at kung sa mga condominium ay mga palapag lamang ang magiging lockdown. ELMA MORALES
104344 844200I conceive this website has got some real wonderful data for everybody : D. 780496