HINILING ni Senador Francis Tolentino ang agarang pagproseso ng akreditasyon para sa local hotels upang muling makabangon ang local tourism industry.
Ipinarating ni Tolentino ang kahilingan sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan sa ginanap na pagdinig ng Senate Committee on Local Government kaugnay sa paghahandang ginagawa para sa pagbubukas ng local tourism industry sa ilang mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ).
“How will we jumpstart the local tourism if we are making it hard for them to reopen?” tanong ni Tolentino sa mga stakeholder sa pagdinig ng komite.
Anang senador, bago muling magbukas ang mga hotel, kinakailangan ng tourism reopening accreditation mula sa Department of Tourism (DOT) para sa kanilang operasyon at kung walang akreditasyon ay hindi papayagan na magbukas ang mga ito.
Ang panawagan ni Tolentino ay agad na sinuportahan ni Tourism Congress President Jose Clemente.
“That is something that we would have to discuss with DOT as we transition out to lower quarantine condition,” ani Clemente.
“That is something that we would discuss and we’ll see how we can also utilize our tourism officers in the locality to help with this, “ dagdag pa nito.
Kaya hiling ni Tolentino kay Tourism Assistant Secretary Myra Paz Abubakar, madaliin na ang pagproseso ng akreditasyon ng mga hotel kung saan ang operasyon ng mga ito ay nakadepende sa administrative procedure. VICKY CERVALES
Comments are closed.