LOLA NA PUMILA ‘DI NA UMABOT SA AYUDA

pila

NEGROS OCCIDENTAL- ISANG 87-anyos na lola ang nasawi habang nakapila para kumuha ng  ayuda sa Barangay Villamonte sa Bacolod City.

Bigla na lamang umanong hinimatay ang biktimang  si Aurelia Magbanua, residente ng Purok Sabes habang nasa loob ng gym ng nasabing barangay kaugnay sa ayuda ng pamahalaan para sa mga apektado ng coronavirus pandemics.

Masaya pa umano ang biktima nang magtungo ito sa gym para kumuha ng ayuda nang bigla na lamang itong nawalan ng malay.

Naitakbo pa ito sa pagamutan subalit binawian din ng buhay. VERLIN RUIZ

Comments are closed.