LOLA TUMANGGING PAHALIK SINAKSAK

saksak

NORTH COTABATO – HINDI na umabot pa ng buhay sa ospital ang 70-anyos na lolang tumangging pahalik sa kanyang 72-anyos na asawa matapos itong saksakin sa loob ng kanilang bahay sa Purok 10, Barangay Poblacion sa bayan ng Makilala sa lalawigang ito kamakalawa ng hapon.

Sa report na nakarating kay Police Major Arniel Melocotones, nakilala ang biktima na si Leonides Lupian Tuadles at ang suspek na si Leonardo Empanado Tuadles.

Batay sa salaysay ng apo, magkasiping ang dalawa sa loob ng kanilang silid kung saan pinipilit ng suspek na halikan siya ng biktima subalit tumanggi ito.

At dahil sa hindi umano pumayag ang magpahalik ang biktima  nagdilim ang paningin ng suspek kung kaya’t pinasasaksak niya ito sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Lumalabas din sa imbestigasyon ng pulisya na nagkaroon umano ng mainit na pagtatalo ang mag-asawa sa nakalipas na araw bago nangyari ang insidente. MHAR BASCO

Comments are closed.