LAGUNA – OSPITAL ang kinabagsakan ng pito katao nang magkarambola ang pitong sasakyan sa Brgy. Patimbao, Sta. Cruz.
Sa ulat ni Sta. Cruz MPS Chief, Lt. Col. Chitadel Gaoiran, nakilala ang mga sugatan na sina Rosalie Pagkalinawan, Jennie Apran, pawang mga BHW at driver ng motorsiklo, Roberto Gubat Sebastian, 65-anyos; John Garcia Bernardino, SUV driver, municipal employee, Jayson Yao, 40; Celedonio Recto Perlas, 49, tricycle driver at pasaherong Marites Laureta.
Arestado naman ang driver ng closed van na si Crisjy Castillo na itinuturong responsable sa naganap na aksidente.
Alas-7:54 ng umaga, ayon kay PMSgt. JB De los Reyes nang maganap ang insidente. D. GARAY
Comments are closed.