LOLO HULI SA P3.4-M SHABU

shabu

BULACAN – PAGLABAG sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002 ang isinampa laban sa 63-anyos na lolo matapos mahulihan ng droga sa Barangay Tikay, Malolos City.

Sa report na ipinadala ni P/Lt.Col. Emerey Abating kay PNP Provincial Director P/Col. Chito Bersaluna, kinilala ang suspek na si Carlos Dalagan, tricycle driver, at residente ng nabanggit na lugar.

Nadakip si Dalagan ng mga tauhan ng Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Malolos Police.

Nakuha mula sa kanya ang kalahating kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang aabot sa P3.4 milyon ang halaga. THONY ARCENAL

Comments are closed.