CAGAYAN – PATAY na ang isang lolo nang magtagpuan ng mga kamag-anak nang umano’y sunugin nito ang sariling bahay sa bayan ng Sta Ana.
Kinilala ang biktima na si Rufino Baloloy, 67, residente ng Barangay Rapuli, ng nasabing bayan.
Ayon kay P/Mster Sgt. Anthony Viloria ng PNP-Sta Ana, bago umano nasunog ang bahay ng biktima ay lasing ito at napag-alaman pang ilang ulit na nitong tinangkang sunugin ang kanilang bahay kapag ito ay lango sa alak.
Sinabi pa ni Viloria, sa kanilang pagtatanong sa pamilya at mga kapitbahay ng biktima ay sinunog na rin nito ang kanilang kusina subalit kaagad na naapula.
Ang tatlong apo na kasama ng nasawing lolo na natutulog ay nakaligtas dahil nagising ang mga ito at agad na nakalabas ngunit ang kanilang lolo na naiwan ay natusta ang katawan at halos hindi na makilala. IRENE GONZALES
Comments are closed.