SINIGURO ni Vietnam’s Prime Minister Nguyen Xuan Phuc kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pangmatagalang suplay ng bigas sa Filipinas upang matiyak ang food security sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa Presidential Communications Operations Office (PCOO), sina Duterte at Phuc ay nag-usap noong Martes ng gabi tulad ng kahilingan ng Vietnamese PM.
Sa kanyang telephone call kay Duterte ay sinabi ni Phuc na ipagpapatuloy ng Vietnam ang pagsusuplay ng bigas sa Filipinas sa long-term basis.
“The Philippines thanks Vietnam for its kind support in assuring supply of rice,” sabi umano ni Duterte.
Bukod sa rice trade, tinalakay rin ng dalawang lider ang bilateral at regional cooperation para igupo ang COVID-19 .
Comments are closed.