LORNA T., LITO LAPID MAY LOVE STORY TO TELL

Napaka-safe sumagot ni Espantaho star Lorna Tolentino sa mga tanong hinggil sa tunay niyang relasyon kay Senator Lito Lapid.

Matatapos na raw ang taping nila ni Lito sa FPJ’s Batang Quiapo dahil hindi na puwedeng lumabas ang senador kapag magsisimula na ang kampanya nito sa 2025 mid-term elections kaya matatapos na rin ang kanilang loveteam, pati na ang kanilang love story.

Pero proud daw siyang may magandang friendship siya kay Lito, kahit hindi lamang ito ang friend niyang senator. May kamag-anak pa nga raw.

Hindi man direkta, gusto niyang sabihing mahal pa rin niya ang namayapang asawang si Rudy Fernandez kaya walang puwang sa puso niya ang kahit sinong lalaki, liban sa friendship.

“Maraming nagmamahal, maraming tumutulong, kasi marami ring naging kaibigan si Daboy,” ani grandslam best actress.

“Marami siyang naitanim na kabutihan sa mga tao sa showbiz na nagmamahal pa rin sa kanya, na nae-extend sa amin na pamilya niya.

Iyon yung isa pang malaking blessing din.”

Mas ini-enjoy raw niya ngayon ang pagiging Lola.

Pagmamalaki pa ni Lorna: “I’m so happy sa mga apo ko, lahat sila gifted.

“Si Tori is 13 now. And nanalo yung choir nila, may competition sa Spain sa April.

“So, bale duet sila and with the choir na kasama. Yung song, may duet sila ng isang soprano at isang alto, nagko-combine.