Victoria Lorna Perez Aluquin-Fernandez ang tunay niyang pangalan, pero mas kilala siya sa kanyang screen name na Lorna Tolentino. Kahit LT lang, alam na. Isa siyang multi-awarded Filipino actress, model, film producer at television personality.
Nagsimula ang kanyang career bilang child actress.
Naging young Susan Roces sa pelikulang Divina Gracia at nakagawa na siya ng hindi bababa sa 60 movies. Nanalo siya ng walong film awards at 20 beses na-nominate na kadalasan ay Best Actress sa FAMAS.
Kinilala siya sa kanyang mga hindi malilimutang pagganap sa mga pelikulang Uod at Rosas (1981), Moral (1982), Sinasamba Kita (1982), Init sa Magdamag (1983), Somewhere (1984), Huwag Mo Kaming Isumpa (1986), Nakagapos Na Puso (1986), Pinulot Ka Lang sa Lupa (1987), Natutulog Ba ang Diyos (1988).
Noong 2002, naging bida si Lorna sa una niyang Primetime Drama sa television, ang Kay Tagal Kang Hinintay. Noong 2004 hanggang 2008, lumipat siya sa GMA Network para sa Hanggang Kailan at naging host din sa Startalk kapalit ni Rosanna Roces.
Bumalik si Lorna sa ABS-CBN para sa teleseryeng Dahil May Isang Ikaw, kung saan hinangaan siya ng lahat.
Noong 2010, muli niyang ipinakita ang kanyang galing sa TV drama na Momay, at noong 2011, bumida naman siya sa Minsan Lang Kita Iibigin.
Sa iilang Grandslam actresses sa Philippine Cinema, nakasama dito si LT together with Vilma Santos, Elizabeth Oropesa, Nora Aunor at Sharon Cuneta. Nakuha niya ang Grandslam Best Actress sa pelikulang Narito ang Puso Ko (1993).
Bumalik siya sa GMA Network para heavy drama series na Pahiram ng Sandali.
Noong May 2001, isa si Lorna sa mga nagprotesta sa EDSA III, kung saan hiniling nilang mabalik sa posisyon si ousted Philippine President Joseph Estrada Ejercito.
Of course, kilala rin si Tolentino sa kanyang mga dramatic roles sa television dramas. Noong 2002-2003, nakasama ng siya sa cast ng suspense drama series na Kay Tagal Kang Hinintay sa papel na Lorrea/Lorrinda Guinto/Red Butterfly, lead role na matagumpay na bumago sa Philippine Primetime TV Standards.
Noong 2009-2010, huminto si Lorna sa paggawa ng TV series at halip ay tumutok siya sa mga full-length films. Paminsan-minsan, naggi-guest din siya bilang TV host. Binalikan niya ang kanyang trono bilang magaling na artista nang gampanan niya ang papel ni Atty. Tessa Ramirez sa sikat na soap operang Dahil May Isang Ikaw, kung saan kinilala rin siya sa New York Television Awards for Best Telenovela.
Noong 2011, bumida siya sa action-drama television series na Minsan Lang Kita Iibigin, kung saan ginampanan niya ang papel ng kontrabidang si Alondra Sebastiano. Umalis uli siya sa GMA 7 network para sa television drama na Glamorosa.
Noong 2012, ginawa ni Tolentino ang soap opera na Pahiram ng Sandali kasama si GMA-7 actor Dingdong Dantes, Christopher de Leon at Max Collins. Nakasama rin siya sa cast ng Valiente at ng weekly series na Third Eye para sa TV5.
Noong 2014, kasama na naman si Tolentino sa GMA Network series na Genesi, with Dingdong Dantes.
Pero noong 2015, nakasama niya sa TV5 sina Ruffa Gutierrez at Gelli de Belen sa Misterless Misis.
Noong 2018, balik ABS-CBN na naman si Lorna para sa limang taong daytime series na Asintado. Matapos ang Asintado, nagkontrabida uli si Tolentino nang gampanan niya ang role ng malupit at authoritarian bureaucrat na first lady na naging warlord — si Lily Ann Cortez-Hidalgo, sa FPJ’s Ang Probinsyano ng ABS CBN kung saan si Coco Martin ang bida.
Muli siyang nagbalik kasama uli si Coco sa FPJ’s Batang Quiapo bilang anti-hero syndicate leader na si Amanda Salonga.
Alam ng lahat ang husay ni Tolentino sa emotional restraint pagdating sa pag-arte. Noong 2004, kinilala siya ng Directors’ Guild of the Philippines Inc., na isa sa “15 Best Filipino Actresses of All Time”. Noon namang 2006, isinama siya ng S Magazine sa listahan ng “Philippine Cinema’s 15 Best Actresses of All Time” na ang bumoto ay mga film directors, scriptwriters at journalists.
Sa special episode ng QTV’s Ang Pinaka na si Pia Guanio ang host, hindi maiwasang pag-usapan ang kanyang linya kay Alice Dixson sa 1988 film na Nagbabagang Luha.
Alice: Ate, mamamatay ako kapag inilayo mo siya sa akin …
Lorna: Ipalilibing kita!
Nakasama ito sa “20 Most Unforgettable Filipino Movie Quotes of All Time.”
Pinuri siya ng kritikong si Elvin Luciano sa kanyang pagganap sa 2010 film na “Sa ‘Yo Lamang.
“LT has mastered her craft, and at the same time, effectively supports her co-stars,” ani Luciano.
All praises din sa kanya si Abigail Mendoza ng Philippine Entertainment Portal lalo na sa pelikulang Burgos (2013). Aniya, “Tolentino effectively evokes empathy with her subtle but compelling portrayal of Edita Burgos.” Dagdag pa niya, “The actress shines in bringing life to the subdued but resilient heroine of the biopic, making her audience feel that a mother’s love is indeed so powerful.”
Kahit mismong ang tunay na Edita Burgos ay walang pagsidlan ng papuri kay Lorna.
“It’s not only very accurate,” ani Editha. “It’s a very sensitive portrayal not only during the lonely and sorrowful moments but even the joyful experience with the children. It’s very beautiful.”
At wala na po muna kaming masasabi dahil ubos na ang espasyo.