HABANG masayang nagdiriwang ang mga Pinoy nitong nakaraang New Year’s Eve, ay happy and in love namang nakipag-dinner date itong si Lovi Poe sa kanyang foreigner boypren na si Montgomery Blencowe sa Los Angeles, California. Yes, dumayo pa sa States si Lovi para makapiling at kasamang mag-welcome ng taong 2020 ang boypren.
Ipinost nga ni Lovi ang kanilang mga larawan kung saan nag-caption si Lovi na mula raw Christmas Eve hanggang New Year’s Eve ay magkasama sila.
Balik Pinas na rin si Lovi ngayong darating na mga araw. Kailangan na rin kasi niyang tapusin ang mga pelikulang gagawin dahil sa may mga playdate na ang mga ito plus magsisimula na rin si Lovi sa bago niyang teleserye sa GMA-7.
Bagama’t happy si Lovi sa bagong lovelife ay aminado naman ang Kapuso actress na medyo hindi pa rin siya sanay sa long-distance relation-ship (LDR). Kung matatandaan halos lahat ng past relationship ni Lovi ay LDR at nauuwi rin lang sa hiwalayan ang mga ito. By this time kaya sa kasalan na matuloy?
SANYA LOPEZ HANDA NANG SUMABAK SA BEAUCON AT PAKIKIPAG-BF
LAST year ay sumali sa isang beauty queen training si Sanya Lopez, rampa rin siya sa mga fashion show at marami tuloy ang nagsasabi na balak ni Sanya na sumali sa isang national beauty contest.
Sa pagpasok ng Bagong Taon ay kapuna-puna na ang kaseksihan ni Sanya. Say ng young actress ay feel niyang mas pumayat siya ng kaunti. At buong pagmamalaki rin, sinabi na dapat ay alagaan ng mabuti ang sarili. Inamin kasi ni Sanya na minsan ay nagiging pabaya siya sa sarili kung kaya bigla rin nadaragdagan ang kanyang timbang. Tsikang join daw ang byuti ni Sanya ngayon sa beaucon? Masaya naman nabanggit ni Sanya na saling-pusa na muna sa ngayon.
Inamin niyang pangarap talaga niyang maging isang beauty queen. Wala pa raw siya sa showbiz ay isa na ito sa dream ni Sanya. Kung kaya paghahandaan daw niya ng mabuti para matupad ang isa pa sa pangarap ng young actress.
Pagdating naman sa lovelife, aminado si Sanya na feel na niyang magkaroon ng karelasyon ngayong taon pero hindi naman daw siya naghahanap. Kung darating daw ito sa buhay niya this year ay malaking pasasalamat para kay Sanya.
Comments are closed.