MULI na namang umani ng mga papuri ang Kapuso sexy actress na si Lovi Poe sa kanyang walang takot na caption sa kanyang pinost na larawan sa social media. Sa naturang larawan ay sinabi ni Lovi ang katagang “If there’s one fabric I could wear forever it would be lace and I am also an advocate of self-love. Yes I am flat and proud, -@lovipoe”.
Sa naturang post ay may 2.7 million followers si Lovi at ilan sa kanyang followers ang humanga kay Lovi. Maging ang mga kapwa niya artista ay naglagay ng mensahe at nagsasabing love and idol nila si Lovi. Kung karamihan kasi sa mga artista nating kababaihan ay nais na magpalagay o magka-roon ng malaking dibdib si Lovi ay walang niretoke sa kanyang katawan at dibdib.
Ani ng actress, iisa lang ang katawan niya at mahal niya kung anumang meron siya ngayon. Kaya nga kahit nagpapa-sexy si Lovi na hindi naman kalakihan ang dibdib ay tanggap ito ng masa.
RITA DANIELA NAPANSIN DIN ANG GALING SA PAG-ARTE
SA dinamiraming kontrabida role na ginawa ni Rita Daniella, napansin siya rito sa latest niyang teleseryeng “My Special Tatay” with Ken Chan and Arra San Agustin. Sa sobrang sama ni Rita bilang isang ina na nagagawang ibenta ang kanyang sariling anak para magkapera ay maraming televiewers na galit na galit kay Rita. Umuulan na nga raw ng hate messages sa kanyang social media account.
May nagpayo pa kay Rita na magbago na at magpakabuti para magkatuluyan sila sa totoong buhay ni Ken. Kapwa single and available ang dalawa. Imbes na magalit o mag-react si Rita ay natatawa na lang siya sa mga natatanggap niyang negang komento. Ayon kay Rita, sa totoong buhay ay ibang-iba naman talaga ang kanyang pagkatao at hindi siya pokpok tulad ng kanyang character sa teleserye nila ni Ken.
Nagpapasalamat din si Rita sa kanyang bashers dahilan sa na-aapreciate nila ang acting ng Kapuso singer/young actress. Ang nakatutuwa lang nito ay tanggap ng mga basher at netizens ang medyo chubby look ni Rita. Sa katunayan pa nga ay patok na patok sa netizen ang kanyang sexy pictorial at walang photo shop ang kanyang katawan. Kung kaya pati ang kanyang sexy look sa “My Special Tatay” ay pasok na pasok kay Rita.
Mukhang kakaririn na rin talaga ni Rita ang showbiz bukod pa sa pagiging singer at actress ay kumukuha ngayon ng kur-so sa College of St. Benilde na filmmaking studies. Malamang hindi na rin magugulat ang kanyang followers kung isang araw ay nagdi-direk na rin siya ng pelikula o teleserye.