LRT-2, MRT-3 MAY LIBRENG SAKAY SA SEAFARERS

BILANG paggunita sa Day of the Filipino Seafarer, ilang train systems ang mag-aalok ng libreng sakay sa mga seaman ngayong Martes, June 25.

Ayon sa Maritime Industry Authority (Marina), ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ay may libreng sakay sa mga seafarer mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Mag-aalok din ang Manila Metro Rail Transit System Line 3 (MRT-3) ng libreng sakay mula alas-5:30 ng umaga hanggang sa pagtatapos ng kanilang operating hours.

Paalala ng Marina sa lahat ng marino, ipakita lamang ang kanilang valid na Seafarer’s Record Book, Seafarer’s Identity Document, o kaya’y Seafarer’s Identification Booklet para makapag-avail ng libreng sakay.