(LTFRB nagbigay ng 2 pang taon)MAXIMUM AGE LIMIT SA PUVs PINALAWIG

LTFRB-1

BINIGYAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng dalawa pang taon ang public utility vehicles na naabot na ang kanilang age limit.

Ayon sa LTFRB, makatutulong ito sa mga PUV operator na makayanan ang pagkalugi dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa ilalim ng Board Resolution No. 164, ang mga bus na ginagamit para sa tourist, shuttle, at school transport services na may year model 2005 ay maaari pang mag- operate hanggang sa katapusan ng taon, habang ang mga may year model 2006 ay maaaring mag- operate hanggang 2023.

Samantala, ang mga bus na may year models 2007 at 2008 ay puwede pang mag-operate hanggang 2024.

Ang UV Express units na may year model 2007 ay papayagan pa rin ngayong taon, year model 2008 hanggang 2023, at year model 2009 hanggang 2024.

“For Sedans, AUVs, SUVs, and utility vans used as tourist cars, those with year model 2010 are still allowed to operate this year. Units with year models 2014 and 2015 are still allowed up to 2023 and 2024, respectively,” nakasaad sa resolution.

Samantala, ang mga sasakyan na nag-ooperate bilang transport network vehicle services (TNVS) ay maaaring mag-operate hanggang 2022 para sa year model 2013, hanggang 2023 para sa year model 2014, at hanggang until 2024 para sa year model 2015.

“A Roadworthiness Inspection Report issued by the Land Transportation Office or DOTr-accredited PMVC (Private Motor Vehicle Inspection Centers) should be submitted as a requirement prior to confirmation of unit,” ayon pa sa resolution.

Naglabas din ang LTFRB ng resolution na nagwe-waive sa penalties para sa PUV operators sa layuning mabigyan sila ng economic relief sa gitna ng pandemya.