LUCHO AGONCILLO AYAW NG BABAENG BONGGADERA

Trending ang kaisa-isang anak na lalaki nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Lucho Agoncillo kahit 13 years old pa lamang ito, dahil napansin nilang guwapong guwapo pala ang bata.

May dalawa pang anak sina Judy Ann at Ryan — sina sina Yohan at Luna, pero si Lucho ang nag-viral sa TikTok ka­makailan. Tinawag pa nga siyang “heartthrob.”

Nagulat naman si Judy Ann dahil hindi pala niya alam ito. Siguro raw, nanibago lang ang iba dahil three years siyang walang Judy Ann’s Kitchen [JAK].

“Part siya ng first episode namin,” aniya. “Three years ako hindi nag-JAK, tapos nakita na siya uli, malaki na. siya.”

Lumalaki raw ang mga bata right in front of their very own eyes na na hindi nila namamalayan.

“Tumangkad na naman sila. Lumaki na naman.” anya pa. “Nasa isang bahay lang naman kami, pero hindi ko napapansin.”

Hindi pa raw siya handang magbinata at magdalaga ang kanyang mga anak, kaya ang dasal niya, ‘Teka, Lord, Lord, Lord. Please, hindi pa ako ready, help me.”

Pero wala pa raw girlfriend si Lucho sa pagkaalam niya. Crushes, marami. Marami rin umanong nagpapahiwatig dito. Pero ayaw raw ni Lucho ng mahilig sa cellphone.

“Ayaw niya yung la­ging nagse-selfie.”

Ayaw rin umano ng kanyang anak ng bonggadera at maraming make-up at laging mabango. Saka makaina raw si Lucho, laging nakasiksik sa kanya. Mas pinagbabasehan raw ni Lucho ang ugali ng babae kesa looks.

Kahit daw si Yohan, hindi nagda-judge sa looks. Kinikilala raw muna nito at kinakaibigan.

Parang wala daw hilig mag-artista si Lucho. Mas gusto raw nito ang sports — pangarap niyang ma­ging professional football player.

Pero masipag naman daw mag-aaral si Lucho dahil ang usapan nilang mag-ina, ‘You know, you can do both, pero pag may nag-fail sa class mo, mag-i-step back ang football.’ Kaya raw natuto itong ibalanse ang lahat, same thing with Yohan and Luna.

RLVN