‘LUCKY 9’ SA LADY EAGLES

UAAP Season 81 women’s volleyball tournament

Mga laro sa Sabado:

(Araneta Coliseum)  

8 a.m. – AdU vs UST (Men)

10 a.m. – Ateneo vs UP (Men)

2 p.m. – UST vs UE (Women)

4 p.m. – UP vs FEU (Women)

NAKUMPLETO ng Ateneo ang sweep sa elimination round laban sa Far Eastern University, 25-21, 25-10, 25-18, upang lumapit sa ‘Final Four’  sa UAAP Season 81 women’s volleyball tournament kagabi sa Filoil Flying V Centre.

Pinangunahan ni Deanna Wong, ang Best Setter noong nakaraang taon, ang opensa ng Lady Eagles na may 30 excellent sets, kung saan naitala niya ang dalawa sa kanyang apat na puntos mula sa service aces at nakakolekta ng 12 digs.

Umiskor sina Ponggay Gaston at Kat Tolentino ng tig-11 hits para sa  Ateneo, na napalawig ang winning streak sa siyam matapos ang season-opening loss sa defending champion De La Salle upang mapatatag ang kapit sa lid-erato.

“I’m happy that the players responded to the challenge. We know FEU will give us a challenge. We have to level up their energy and intensity,” wika ni Ateneo coach Oliver Almadro.

Sa panalo ay naitala ng Lady Eagles ang two-game cushion laban sa second-running Lady Spikers (7-3).

Nauna rito ay tumipa si Marian Buitre ng season-highs 19 points at 17 digs nang samahan ng University of the Philippines ang University of Santo Tomas at FEU sa third place sa 6-4 kasunod ng 25-23, 20-25, 25-23, 24-26, 15-11 panalo laban sa University of the East.

Sa men’s division, gumawa si unheralded George Labang ng dalawang blocks para sa career-high 22-point nang mapigilan ng Adamson University ang pagmartsa ng FEU sa Final Four sa pamamagitan ng 25-14, 22-25, 25-23, 16-25, 17-15 panalo, habang humataw sina rookie Jaron Requinton at Jao Umandal ng tig-20 hits nang putulin ng UST ang four-match slide sa 25-17, 18-25, 25-20, 25-15 pagdispatsa sa UP.

Comments are closed.