ANG lucky bamboo plant ay may botanical name na dracaena sanderiana. Sa maniwala kayo o hindi, ang kawayan, malaki man o maliit na species, ay isang uri ng damo kaya napakadali nitong itanim at buhayin. Pwede rin siyang indoor plants na nakakadagdag ng zen looking touch sa kahit anong indoor setting.
Ang halamang kawayan ay nagbibigay raw ng swerte at nagbibigay ng magandang kapalaran, ayon sa Feng Shui. Pinaniniwalaang ang pagkakaroon ng bamboo plants sa bahay at sa opisina ay nagdadala ng swerte, kayamanan at magandang kapalaran.
Ang pinakamagandang lugar sa bamboo plant ay ang sulok ng bahay mo sa silangan. Maganda rin ang south-east direction.
Madali lang alagaan ang lucky bamboo plant. Dapat, malaki ang paso para mas madaling lumaki, at para may sapat na tubig. Minsan isang linggo lang dapat ang pagdilig dito. Dapat din, naaarawang mabuti, at may proper drainage.
Mas mabuti kung ang lucky bamboo ay iniregalo sa’yo, pero pwede rin namang bumili kung gusto mo sakaling walang magregalo.
Magandang regalo ito sa New Year. Matagal din ang buhay nito lalo na kung mahusay kayong mag-alaga. Kung tinatamad kayong magdilig, ilagay na lang ang lucky bamboo sa banyo. Pero tandaang kailangan nito ng at least six hours of direct sun araw-araw. Yung ibang varieties, okay lang sa lilim, pero mas maganda kung naaarawan. Lahat naman ng halaman, masaya kapag naaarawan. Kaya ilagay ninyo ito sa maaraw na lugar.
Nangangahulugan ng ‘kaligayahan’ ang tatlong bamboo stalks na magkakadikit. Nangangahulugan ito ng Fu (happiness), Lu (wealth), at Soh (long life). Ang five stalks ay representasyon ng bahagi ng buhay na nakakaapekto sa yana. Ang six stalks ay representasyon ng swerte at kayamanan. Kung 21 bamboo stalks naman, representasyn ito ng harmony at success sa kalusugan, kayamanan, kaligayahan, relasyon, prosperidad at fortune.
Paalala lang. iba ang kawayan sa lucky bamboo. Mas tinatawag itong mga plantito at plantita na Fortune Plant.
Huwag kalilimutang diligan ang lucky bamboo once a week. JAYZL VILLAFANIA NEBRE