NAVOTAS CITY – NASAKOTE ang isang 19 taong gulang na binata matapos makuhanan ng 16 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana sa Navotas City.
Kinilala ni Navotas Police Chief Col. Rolando Balasabas ang naarestong suspek na si alyas Lucky ng Brgy. Tangos North, Navotas.
Sa ulat, dakong alas-7 ng gabi, nagsasagawa ng covert validation ang mga operatgiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Charlie Bontigao sa B. Cruz St, Brgy. Tangos North nang maispatan si Lucky na kahina-hinala ang kilos.
Nang sitahin, nakumpiska sa suspek ang walong transparent plastic sachet na naglalaman ng pinatuyong dahon ng hinihinalang marijuana na tumitimbang ng 16 gramo at nasa P1,920 street value ang halaga.
Kasong paglabag sa RA 9165 ang isinampa ng pulisya kontra sa suspek sa Navotas City Prosecutor’s Office. EVELYN GARCIA
Comments are closed.