LUGAR NA MAY PINAKAMARAMING COVID-19 CASES UUNAHIN SA VACCINE

vaccine

PRAYORIDAD ng pamahalaan na mabigyan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine ang mga lugar na mayroong higit 3,000 aktibong kaso ng COVID-19.

Ito ang naging tugon ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa apela ng Iloilo City na mapabilang ang kanilang lugar sa mga priority list ng mga makatatanggap ng bakuna.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Galvez na target  nilang unahin ang mga siyudad dahil ito ang sentro ng ekonomiya.

Aniya, kabilang din sa kanilang priority list ang essential workers, at mga government official. DWIZ882

Comments are closed.