LUIS AT JESSY SOSYO SA FRAGRANCE BUSINESS NA LUCKY8LULU

VERY supportive boyfriend talaga itong si Luis Manzano sa kanyang girlfriend si entra eksenaJessy Mendiola. Maliban sa nabigyan  ni Luis si Jessy ng bagong product endorsement ay magkasosyo pa sila ngayon ng nobya sa bagong fragrance business na pinangalanan nilang “Lucky8Lulu.”

Networking ang business ng magnobyo at ang goal nila ay makatulong sa maraming kababayan na gustong mag-umpisa sa maliit na negosyo. Sa  ha­lagang P6,700 ay puwede na kayong maging reseller nito at may one time membership fee na kayo at mayroong 20 bottles ng Lucky Lulu perfumes. Puwede niyo itong ibenta sa mas mataas na presyo.

Masipag mag-promote si Luis ng negosyo nilang ito ni Jessy at in fairness marami-rami nang nae-engganyong misis ang TV host-actor. Ngayong tapos na ang Minute To Win It ni Luis na fabulous ang ratings ay mas matututukan nito ang Lucky8Lulu  nila ni Jessy sa SM Marikina gayundin ang pagpapatakbo ng matagal ng LBR Taxi business.

BASHERS NG GOWN NI KIM CHIU SA ABS-CBN BALL MGA TSIPANGGA

PATAWA itong mga epal at cheap na netizens, na as if  may know how sa fashion, sa kim chiupaglalaro nila sa ginamit na gown ni Kim Chiu during the ABS-CBN Ball. Palibhasa mga walang taste at alam sa fashion na tipong pang-Hollywood ang eleganteng gown ng actress.

Para sa amin, whether kinopya or what isa ito sa pinaka-eleganteng designs na nakita naming, wala na kaming pakialam sa issue na ito, kung nagamit na ito, or nanalo na sa isang beauty pageants, dahil ni­linaw naman din ni Kim ang history ng nasabing gown. Ang importante sa amin ngayon, is the fact that Kim has consistently maintained her  being one of the best-dressed celebrities in the annual ABS-CBN Ball.

Tingnan ninyo ang larawang ito mula sa 2015 hanggang ngayon, pagda­ting sa bearing, class, no one can be at par with Kim. Sorry ha, kahit ano pa ang ipasuot na damit kay Kim, she will always be classy and fashionable. Kaya wala kayong karapatan na paglaruan ang gown ng actress sa social media. Hindi naman kayo authority sa fashion para magmaganda.

And for the information ng marami, isang dahilan why Kim chose that dress ay para makatulong sa mga batang designer. Yes, kung ikaw ang designer, kukuha ka ng isang sikat  na celebrity para suotin ang creation mo sa isa sa pinakamalaking event sa showbiz, ang ABS-CBN Ball. Iba lang talaga magdala si Kim. She is no doubt a designer’s dream celebrity. Period, walang comma. Klaro!

TATLONG DABARKADS PUWEDENG MANALO NG TIG-P20K SA EB LOTTONG BAHAY

NGAYONG buwan ng Setyembre, ay tatlo uling masuwerteng Dabarkads ang may chance na makatanggap ng P20,000 per month sa loob ng 12 buwan o isang taon! Para makasali at manalo, aba­ngan araw-araw at i-comment ang lucky combination na lumabas sa inyong TV screen at sa FB live.

Tandaan: Dito lang sa official Facebook Fan Page ng Eat Bulaga mag-comment. Magiging invalid ang inyong comment sa ibang comment box. Pakatututukan ang lahat ng segment ng inyong favorite noontime show at dito niyo makukuha ang lucky combination.