(Lumabag sa guidelines ng Alert Level 4) 10 NEGOSYO BINALAANG ISASARA

INISYUHAN ng Para­ñaque City Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng babala ang 10 business establishments sa lungsod na napatunayang lumabag sa guidelines na kasalukuyang ipinapatupad sa ilalim ng bagong quarantine alert system sa National Capi­tal Region (NCR).

Base sa report ni BPLO chief Atty. Melanie Soriano-Malaya, la­yu­nin sa pag-ikot ng itinalagang inspection team na bumisita sa mga business establishment sa lungsod ay upang alamin kung sumusunod ang mga ito sa guidelines ng Alert Level System 4.

Sa pag-iikot ng BPLO inspection team ay natuklasan nito na 10 beauty salons at barbershops ay tumatanggap ng kanilang mga custo­mers na mas marami pa sa pinayagang 10 porsiyentong kapasidad sa loob ng isang establishment.

Sinabi ni Malaya na magalang na pinalabas ng kanyang itinalagang inspection team ang mga customer ng salons at barbershops na lumabag sa naturang guidelines.

Ayon kay Malaya, inisyuhan ng notice of violation ang mga lumabag na establisimiyento at binalaan ang mga ito na sa kapag nahuli pa ang mga ito sa ikalawang pagkakataon sa paglabag ng guidelines ay tuluyan nang maisasara na ang kanilang mga negosyo.

Sinabi din ni Malaya na patuloy na isasagawa ng BPLO inspection team ang pagmo-monitor at pag-inspeksiyon araw-araw sa mga establisimiyento sa lungsod. MARIVIC FERNANDEZ

3 thoughts on “(Lumabag sa guidelines ng Alert Level 4) 10 NEGOSYO BINALAANG ISASARA”

Comments are closed.