(Lumipat bilang OIC ng OPS) GARAFIL NAGBITIW SA LTFRB

NAGBITIW nitong Biyernes bilang chair­person ng Land Trans­portation Fran­chising and Regulatory Board (LTFRB) si Atty. Cheloy Garafil para magsilbi bilang bilang officer-in-charge sa Office of the Press Secretary (OPS).

Kinumpirma ni Garafil sa mga mamamahayag na naghain siya ng kanyang pagbibitiw kahapon umaga kasunod ng alok na tumulong sa OPS, kung saan hanggang ngayon ay naghahanap pa rin si Pangulong Bongbong Marcos ng ipapalit sa nagbitiw na si Trixie Cruz Angeles.

“I have accepted the offer to help in the Office of the Press Secretary as its undersecretary and OIC. This is a great honor and privilege and I thank the President for this opportunity to once again work with him in his administration to serve the Filipino people,” pahayag ni Garafil.

Hindi pa nagbibigay ng detalye ang Malacañang tungkol sa appointment.

Sa nakalipas na ilang araw, may ilang pangalan ang lumitaw bilang posibleng kapalit sa nagbitiw na si dahil sa mga kadahilanang pangkalusugan.

Nauna nang sinabi ng Pangulo na maaaring mag-anunsyo siya ng ipapalit kay Angeles sa susunod na linggo.

Samantala, sinabi ng LTFRB na maglalabas din ito ng advisory kung sino ang mamumuno sa ahensiya kasunod ng pag-alis ni Garafil. EVELYN GARCIA