(Lusot na sa House panel) FRANCHISE RENEWAL NG MERALCO

APRUB na sa House Committee on Legislative Franchise ang panukala na nagpapalawig sa prangkisa ng Manila Electric Company (Meralco) ng 25 taon.

“For the past few months, we have held meetings to discuss the franchise application of Meralco. Since then, we have received various letters of support,” pahayag ni Parañaque Rep. Gustav Tambunting.

Sinabi ni Tambunting, chairman ng komite, na halos dalawang dosenang business groups ang nagpakita ng suporta para sa renewal ng prangkisa ng Meralco.

Ang mga grupong ito ay kinabibilangan ng industry federations, gayundin ng Japanese at British chambers of commerce.

Ang Meralco ay nagpapatakbo sa electric distribution systems sa Bulacan, Cavite, Metro Manila, at Rizal, gayundin sa ilang lugar sa mga lalawigan ng Batangas, Laguna, Pampanga, at Quezon.

Ang prangkisa nito ay mapapaso sa 2028.

Naghain sina Albay Rep. Joey Salceda, Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco, at Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez ng magkakahiwalay na bills ngayong taon para sa pagpapalawig ng prangkisa ng Meralco ng panibagong 25 taon.

Binigyang-diin sa panukala ang maaasahang sebisyo na ipinagkakaloob ng Meralco.

“Everything has been fully discussed [during the House committee hearings]. No other issue has been put forward.

Meralco has long been serving our country well and they deserve to be granted a new franchise,” sabi ni Rodriguez.