(Lusot na sa Kamara) 1% INCOME TAX SA PRIVATE SCHOOLS

APRUBADO na sa plenaryo ng Kamara ang panukala na nagbibigay-linaw sa pagbubuwis sa mga pribadong paaralan sa bansa.

Sa botong 203 na sang-ayon at wala namang pagtutol ay inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 9913.

Sa ilalim ng panukala, ang 10% preferential tax rate na ipinapataw sa proprietary educational institutions ay ibababa sa 1% mula July 1, 2020 hanggang June 30, 2023.

Pagsapit naman ng 2024 ay itatakda na sa 10% ang tax rate ng mga proprietary educational institution salig na rin sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act (CREATE).

Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, pangunahing may-akda at sponsor ng panukala, ang 1% tax rate ay katumbas ng 96% tax discount sa private schools, habang ang susunod na 10% na tax rate ay katumbas naman ng 60% na diskwento sa buwis sa private schools.

Dagdag pa ni Salceda, ito na ang pinakamalaking tapyas sa buwis na ibinigay sa isang sektor sa buong kasaysayan ng bansa at ikinararangal ng Kamara na maibigay ito sa pinahahalagahang sektor ng bansa, ang edukasyon. CONDE BATAC

69 thoughts on “(Lusot na sa Kamara) 1% INCOME TAX SA PRIVATE SCHOOLS”

  1. 573316 263492This is excellent content material. Youve loaded this with beneficial, informative content that any reader can recognize. I enjoy reading articles that are so extremely well-written. 224029

Comments are closed.