INILAHAD ng think tank na IBON Foundation kamakailan na ang huling pagbaba ng inflation ay hindi nangangahulugan ng pagbaba ng presyo ng mga bilihin sa merkado.
“The government is just twisting the concept of inflation na pinapalabas na nagmumura ang mga bilihin ngayon by saying lower inflation,” sabi ng executive director na si Sonny Africa.
“But lower inflation, in any economics textbook, does not mean lower prices. It means slower increase in prices lang,” dagdag niya.
Bumaba ang inflation sa 6 na porsiyento nitong Nobyembre, ayon sa Philippine Statistics Authority, mula sa siyam na taong mataas na 6.7 porsiyento noong Setyembre at Oktubre.
Pero sinabi ni Africa, 60 porsiyento ng populasyon ay apektado pa rin ng mataas na presyo ng pangunahing bilihin.
“Ito ‘yung mga minimum wage and below, ito ‘yung talagang walang savings para punuan ‘yung pagmahal ng presyo ng bilihin,” sabi niya.
Habang epektibo pa ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN), hindi magkakaroon ng pagbagsak sa presyo ng mga pangunahing bilihin, kahit gumawa pa ang gobyerno ng iba pang anti-inflationary measures, sabi ni Africa.
“Pinakamalaking inflation pressure ‘yung TRAIN Law. Yung pagpipilit nila (ng gobyerno) na ipatupad ‘yung January 2018 hike… Kung hindi nila inaatrasan ‘yan, nadi-diminish ‘yung epekto ng ibang mga hakbangin nila,” ani Africa.
Nakikita rin daw ni Africa na ang mga pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo ay hindi magtatagal at magpapatupad ng dagdag sa second tranche sa fuel excise tax 2019 at hindi magiging magandang move.
“May balita ‘yung Russia at Saudi ay magbababa na ng production para tumaas ang presyo ng langis, para lumaki ulit ang kita ng kanilang mga gobyerno at ekonomiya. Hindi tatagal itong pagbaba ng presyo ng langis,” sabi niya.
Sinabi ni Africa na dapat ma-scrap ang TRAIN dahil ito ay nagpapabigat ng husto sa mga mahihirap na pamilyang Filipino.
Comments are closed.