MABUHAY KA, MANNY!

on the spot- pilipino mirror

NAGBUBUNYI nga­yon ang sambayanang Filipino sa pagwawagi ni Manny Pacquiao laban kay Lucas Matthysse. Sa 3rd round pa lamang ay napabagsak na nito ang kalaban, ngunit nagpahinga nang sandali si Matthysse at nakabalik. Pagdating ng 7th round,  tinapos na ni Pacquiao ang laban para sa World Boxing Association  (WBA) welterweight title. Ngayon ay si Pacquiao na ang may hawak ng WBA. Sa unang pagkakataon magmula noong 2009 ay ngayon lang nangyari sa laban ni Manny  na ipinahinto ng referee  ang laban dahil na rin napaluhod si Matthysse. Tanggap naman ng boksingero ang pagkatalo sa boxing legend  dahil kakaibang lakas at bilis ang ipinamalas ng fighting senator. Sa 9,000 nanood, kasama na rito si Presidente Rodrigo Roa Duterte na sumuporta sa ating Pambansang Kamao, gayundin ang Prime Minister ng Malaysia na si Matthir Mohamad. Congratulations, Manny. Mabuhay ka!

oOo

Nakaisa na ang San Miguel Beer sa Alaska sa kanilang best-of-five semifinals. Sa totoo lang, kung titingnan ang kampo ng Aces kumpara sa Beermen ay kakainin lang sila nang buo ng tropa ni coach Leo Austria. Sa tingin namin ay posibleng ang Rain or Shine at SMB ang magtatagpo sa finals.

Pero siyempre ay bilog ang bola, knowing Ginebra hindi ito papayag na basta-basta na lang bibigay sa Elasto Painters, lalo na si coach Tim Cone. Simula kagabi ang best-of-five ng Ginebra at RoS

oOo

Sa mga nais matuto ng paglalaro ng basketball, ang BASIC HOOPS weekend Basketball training CLUB ay nag-o-offer sa mga bata para ma-train sila nang husto, sa pa­ngunguna ni coach Mark Ballesteros. BELIEVE and WE’LL MAKE IT happen.

Sa mga nagnanais na ma-develop pa ang inyong fundamental, maging parte kayo sa matagumpay  na basketball program ng Quezon City. For more information, tumawag lamang po sa 09184801292. Hanapin si coach Mark Ballesteros.

oOo

Ano kaya ang plano ng coach na ito sa kanyang hawak na team? Tila wala siyang plano na ipanalo ang kanyang team. Ilang taon na niyang hawak ang koponan pero ‘di pa niya ito napapag-champion. Gi­sing coach, baka ang team owner ay magising at bigla kang palitan  kapag nalaman nila ang iyong mga kalokohan.

oOo

PAHABOL : Happy, happy birthday to my husband, EDWIN MANUEL. Wishing you good health and many more birthdays to come.

Comments are closed.