MACAROONS FOR CHRISTMAS

MACAROONS

PARTY at walang katapusang kainan, iyan ang madalas na­ting ginagawa o nangyayari kapag Pasko. Panahon nga naman kasi ito ng pagsasaya kasama ang kapamilya, kaibigan at maging kasamahan sa trabaho.

Isa pa, mahirap din namang hindi ka um-attend sa mga party dahil may magtatampo sa iyo.  Kaya para patas nga naman ang lahat, walang magtampo at magalit na kaibigan o kamag-anak, sinusubukan talaga na­ting puntahan ang lahat ng imbitasyong mayroon tayo.

Ngayon pa lang, hindi na mabilang ang dindaluhang party ng marami sa atin. May ilan na sa hotel MACAROONS-2ginaganap, ang ilan naman ay sa bahay ng mga kaibigan o kapamilya.

Sa bawat party na ating pinupuntahan, pagkain ang lagi nating tini­tingnan. Hindi nga naman buo ang isang party kung hindi masasarap ang mga pagkaing nakahain sa ating harapan.

Pagkain nga naman ang nakadaragdag sa pagbibigay kulay at saya sa isang pagtitipon. Kung walang pagkain, tiyak malungkot ang party. Hindi rin ito matatawag na party. Pagkain pa naman ang isa sa dahilan kaya’t uma-attend nang party ang marami sa atin.

At bukod sa pag-attend sa mga party, ­abalang-abala rin ang marami sa pag-iisip ng mga masasarap na putahe at desserts na ihahanda ngayong papara­ting na Pasko.

Siyempre, lahat ng mga mommy ay nag-iisip ng masarap na lutuin para sa espesyal na araw na ito. Ito nga naman ang panahon kung kailan nakokompleto ang bawat pamilya. At siyempre pa, may kanya-kanya ring matatanggap na regalo.

Pinaghahandaan nga naman kasi ng bawat isa sa atin ang ganitong mga okasyon. Minsan lang din kasi itong mangyari sa isang taon. Hindi lamang din main course ang pinasasarap natin at pinag-iisipan kundi ang mga ihahanda nating dessert. Dessert din kasi ang paniguradong isa sa inaabangan ng marami sa atin lalo na ang mga mahihilig sa matatamis. Marami rin kasi ang hindi nabubusog lalo na kung hindi nakakakain ng dessert.

Bukod nga naman sa cookies at cupcakes na laging present sa mga handaan, isa pa sa masarap gawin at ipamigay sa ating mga kaibigan at kapamilya ay ang macaroons. Napakasarap din nitong isama sa handa natin ngayong Pasko.

At puwedeng-puwede rin naman itong pagkakitaan. Kung nagpaplanong magtayo ng maliit na mapagkakakitaan ngayong Pasko, swak ang paggawa ng mga dessert. Magiging customer mo ang iyong kapitbahay, kaibigan, katrabaho at pamilya. Maaari ka ring humi­ngi ng tulong sa kanila para makabenta ka at maipaalam sa marami na nagsisimula ka ng maliit na negosyo.

Sa rami ng magreregalo ngayon at magpa-party, tiyak na kikita ka.

MACAROONS-3Hinding-hindi nga naman nawawala sa mga handaan ang dessert. Una rin itong nauubos dahil sa kakaibang sarap nito na naidudulot sa ating panlasa. Hindi rin ito nakauumay kainin. Bata man o matanda, mag-e-enjoy ring kainin ang dessert na ito.

Ang isa pa sa kagandahan ng macaroons ay iba-iba ang kulay nito. At dahil sa iba’t iba ang kulay, lalo lamang tayong naeengganyong tikman ito at kainin.

Maganda rin ito sa paningin kaya lalong nakatatakam. Kaya talagang kapag nasa harap mo na ito, ‘di mo mahihindian.

Kaya kung kulang pa ang ihahanda ninyong dessert, puwedeng-puwede ninyong i-try ang macaroons. Tiyak na mag-e-enjoy ang mga bisita n’yo at pati na rin ang inyong pamilya.

O kung nag-iisip ka ng mga puwedeng ipanregalo sa mga kaibigan mo, swak na swak din ito. At para maging presentable pa itong lalo, bumili lang ng clear jar na maaari nitong paglagyan at kabitan ng card at ribbon.

Sa mga mahihilig nga naman sa matamis, swak na swak ito. Puwedeng-puwede rin itong i-partner sa tea o kaya naman ay coffee. Bukod sa masarap na ito, tiyak na mapauulit pa sa sarap ang mga makatitikim nito.

Kaya ano pang hinihintay ninyo, isama na sa handa ang macaroons ngayong Christmas. CT SARIGUMBA

Comments are closed.