MADAM INUTZ, VLOGGER NA

showbiztuhan

KONTROBERSYAL na ang pangalan ni Daisy Lopez a.k.a. Madam Inutz. Nakilala siya bilang si Madam Inutz nung mag-online business sya na may pinaka-mataas na views na umabot sa One Hundred Thousand, pero walang nag-mine. Kinatuwaan siya ng mga manood dahil sa style niya sa kanyang online selling. Medyo bastos. Nagmumura at uminom ng alak online.

Ang daming naaliw sa kanya, pero marami ring nababastusan. Hindi sanay ang mga viewers na makakita ng nagmumura sa social media. Pero ito ang naging daan para makilala siya kaya sikat na sikat siya ngayon. Agad sumugod sa bahay niya sa Cavite ang taga Star Image para kunin siyang talent at agad din siyang pumirma ng kontrata. Binatikos si Madam Inutz ng netizens na bakit daw siya agad nag-sign ng kontrata.

Naguluhan siya sa dami ng nag-o-offer, kaya binawi niya ang kontrata sa Star Image. Pero lately, pumirma na si Madam Inuts sa manager/vlogger na si Wilbert Tolentino.  Two years ang pinirmahan niyang kontrata. Nagustuhan ni Madam Inutz ang offer ni Wilbert. Kasi naman, hindi pa siya nakakapirma ng kontrata, binig-yan na siya agad ng P200,000 bilang tulong. Nakuha ni Wilbert ang loob ni Madam Inutz.

 

PEN SOLORIA, PAMBATO NG QC SA MRS UNIVERSE PHILLIPINES 2021

MUKHANG maganda ang kapalaran ng business woman na si Pen Soloria, representative ng Quezon City sa Mrs Universe Philippines 2021.

Nung una, takot si Pen na sumali sa contest, pero dahil sa panghihikayat ng mga kaibigan, pumayag na rin siya. Pinaka-supportive sa kanya ay ang kanyang partner na character actor na si Glen Huerto.

Habang papalapit ang contest, matindi ang ginagawang training ni Pen. Sa paglalakad, pananalita, lalong-lalo na sa Q&A.  Aminado si Pen na mahigpit ang labanan, pero tuloy raw siya hanggang dulo. Hindi niya ipinangangakong maiuuwi niya ang korona, pero lalaban siya ng patas para may mapatunayan sa sarili.

Sa kabila nito, hindi niya napapabayaan ang kanyang mga negosyo, patunay na kaya niyang pagsabayin ang contest at paghahanap-buhay.

Ang adbokasiya nya sa buhay ay makatulong sa mga inaaping kababaihan. May programa siyang tumutulong na makapag-abroad ang kababaihan, kaya pag nanalo raw siya sa Mrs Universe Philippines ay mapupunta lahat ng mapapanalunan niya sa kanyang foundation.

 

PAMILYA NI ARJO ATAYDE HUMI­HINGI NG DASAL

Inulan ng batikos si Arjo Atayde dahil sa diumanong pagtakas nito bago pa man lumabas ang swab result sa Baguio City. Sa totoo lang, mismong manager ni Arjo ang nagdesisyong dalhin siya sa Manila upang matutukan ang kalagayan ng actor.

Ang daming ekspikulasyon sa nangyari, pero ang malinaw, may COVID si Arjo kaya humihingi ng panalangin ang pamilya niya para sa mabilis niyang paggaling. In fairness, Maraming katrabaho ni Arjo ang nagparating ng simpatiya sa actor. Hangad nila ang mabilis na paggaling ng aktor.

8 thoughts on “MADAM INUTZ, VLOGGER NA”

  1. 647187 72858Do you have a spam problem on this site; I also am a blogger, and I was wondering your situation; many of us have created some nice procedures and we are looking to swap strategies with other folks, please shoot me an e-mail if interested. 125373

Comments are closed.