NORTH COTABATO – MAGKASUNOD na sinalubong ni kamatayan ang mag-asawang senior citizen makaraang pagtatagain ng mga hindi kilalang kalalakihan sa loob ng kanilang bahay sa Purok Maligaya, Barangay Magsaysay, Koronadal City kamakalawa ng umaga.
Kinilala ang mag-asawa na sina Arturo Aquino, 68, retired militar; at Erlinda Aquino, 75, retired midwife.
Batay sa ulat ng pulisya, bandang alas-10 ng umaga nang madiskubre ng kanilang boy ang krimen matapos itong kumuha ng inuming tubig sa loob ng bahay ng mag-asawa.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, kapwa pinagtataga ang mga biktima saka ni-ransack ang mga gamit.
Gayunman, ayon sa ulat, hindi naman nawala ang mga importanteng gamit ng mag-asawa.
Nabatid na malayo din umano sa ibang kabahayan ang pamamahay ng mga biktima kung saan posibleng walang nakapansin sa krimen.
Pinaniniwalaan naman ng pulisya na napagtripang pagtatagain ng mga adik ang mag-asawa. MHAR BASCO
Comments are closed.