MAG-ASAWA KULONG SA ESTAFA CASE

ESTAFA

QUEZON CITY – INA­RESTO ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ng pamunuan ni Chief Supt. Joselito Esquivel ang mag-asawang may patong-patong na kaso ng estafa sa Barangay Fairview.

Pina­ngunahan ng Fairview Police Station sa ilalim naman ng pamumuno ni Supt. Benjie Gabriel ang paghahain ng warrant of arrest kay Mario Ferrer De Guzman, sa kasong estafa na may 4 counts at BP 22 o boun­cing check na may 3 counts naman.

Inaresto si Mario alas-2:00 ng hapon noong Martes sa tahanan nito sa panulukan ng Advalorem at Dahlia Street.

Ang apat na estafa cases ni Mario ay sa ilalim ng criminal case nos. 4461, 1176-18, 8556 at 6117-2017 habang ang kasong BP 22 sa ilalim naman ng  criminal case nos. 8542, 8541 at 8540 na nilagdaan ni Hon. Maria Magdalena A. Balderama, judge ng MTC Branch 65, Tarlac City, Hon. Cristino E. Judit, Presiding Judge of RTC Branch 14, Na­sugbu Batangas, Hon. De­rela D. Devera-Tamaray, Judge ng MTC Branch 1, Lucena City and Hon. Norma M. Ramos, Presiding Judge ng MTC, Nasugbu, ­Batangas.

Aabot sa pitong warrant of arrest ang kinasasangkutan nito na mula sa Lucena at anim naman mula sa Nasugbu, Batangas.

Napag-alamang ­ilang buwan pa lamang nani­nirahan ito sa naturang address matapos lisanin ang mga lugar kung saan ito ay may mga kasong kinasasangkutan.

Maging ang misis ni Mario na si Adelina Ferrer y Ocampo ay dinakip din dahil sa kasong estafa.

Ang pagdakip sa mag-asawa ay sa tulong ng mga tauhan ng Fairview Police Station sa pangunguna ni Station Warrant Section, Insp. Gilbert Caducano kasama si Insp. Harry Basilla at ang iba pang 9 na suspek na may warrant of arrest sa mga kasong estafa at may criminal case no. 6117-2017 na nilagdaan ni Hon. Maria Magdalena A. Balderama, judge ng MTC Branch 65, Tarlac City.  PAULA ANTOLIN

Comments are closed.