CAVITE – DEAD on the spot ang mag-asawa matapos pagbabarilin sa kanilang bahay sa Brgy Malagasang, Imus noong Martes ng gabi.
Kinilala ang mga biktima na sina Lowel Madelyn Dimapilis, nakatira sa isang subdivision sa nasabing barangay.
Sa ulat ng Cavite Police Provincial Office, alas-10:00 ng gabi nang pinasok ng suspek ang bahay ng mga biktima at pinagbabaril gamit ang kalibre 45 baril.
Dahil dito dead on the spot ang mag-asawa na nakaupo lang sa sofa nang pagbabarilin.
Nakarekober ang pulisya ng walong basyo ng bala ng kalibre 45 baril at 3 tingga.
Isa sa mga anggulong tinitingnan ay may kinalaman sa ilegal na droga dahil nakakuha rin ng mga nakabalot na foil sa kusina at basurahan. REA SARMIENTO
Comments are closed.