CAVITE – Bagsak-kalaboso ang mag-ina, magtiyuhin at isa pa na sinasabing nasa drug watchlist makaraang masa-kote ng mga awtoridad sa isinagawang drug bust operation sa bahagi ng Barangay Talaba 4, Bacoor City, Cavite ka-makalawa ng hapon.
Isinailalim na sa tactical interrogation bago pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Benedick “Bicboy” Cruz y Ma-lubay, 42; Peter “Jojo” Edward Joelson Navarro y Tapia, 26; Hermina “Mina” Navarro y Morata, 53; Rolando “Ando” Grepaldea y Santiago, 45; at si John Christian Jimenez y Grepaldea, 22, pawang nakatira sa nasabing barangay.
Base sa ulat ni SPO2 Angvelito Roxas, isinailalim sa surveillance ang bahay ni Cruz na ginawang drug den ng mga duru-gista.
Gayunman, nagpositibo sa drug trade ang mga suspek kaya kaagad na nag-apply ng search warrant ang pulisya sa pakikipag-ugnayan sa Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA 4A) sa sala ni Judge Agripino G. Morga ng Regional Trial Court Branch 29-30 sa San Pablo City, Laguna.
Dito na sinalakay ng mga awtoridad ang bahay ni Cruz kung saan naaktuhan ang mga suspek na nagkakasamang humi-hithit ng shabu.
Nasamsam sa mga suspek ang 14.86 gramo ng shabu na may street value na P101, 048; 4 pirasong aluminum foil na may bahid ng shabu, at dalawang disposable lighter.
Kasalukuyang nasa PNP Crime Laboratory Office sa Imus City ang mga nasamsam na shabu para sa chemical analysis habang pina-drug test at physical examination ang mga suspek. MHAR BASCO
Comments are closed.