BULACAN – DEAD on the spot ang 17-anyos na ina at anak nito na tatlong buwan na sanggol matapos sagasaan ng isang 10-wheeler truck na kargado ng back hoe ang mga bahay sa Brgy. Sto. Cristo, City of San Jose del Monte.
Sa report ni Acting PNP Provincial Director P/Col. Lawrence Cajipe konilala ang mga biktima na sina Michelle Ramos at anak nito na si Mateo Bangit habang sugatan din ang 9 na iba pa, habang boluntaryong sumuko truck driver na si Eliazar Lumawag, 43-anyos, ng tubong Negros Occidental residente ng Aroma compound, Bitas, Tondo.
Sa imbestigasyon ng awtoridad, papunta sana sa bayan ng Norzagaray ang truck ng mawalan umano ng kontrol ang driver.
Samantala, patong-patong na kaso naman ang kahaharapin ng suspek. THONY ARCENAL