MAG-INGAT SA ONLINE SELLING!

edwin eusebio

Babala ito at Paalala sa mga Consumer

sa ‘Online media’

Huwag basta maniniwala sa mga

produktong ibinebenta…

Higit lalo na ang umano ay mabibisang

gamot o medisina.

Baka higit kayong mamoroblema at

karamdaman lumala pa!

 

Mismong ang FDA o Food and Drugs

Administration…

Masusing nagwa-warning sa Publiko

ngayon..

Walang Garantiya ang mga gamot na

nabibili sa Online,

Baka buhay n’yo ay manganib at maaari

n’yong ikamatay.

 

Mga gamot sa Online ay hindi

Classified at Verified…

Mga sangkap ng mga ito ay hindi rin

Tiyak na ligtas…

Huwag magpadalos-dalos sa katipirang

hangad..

Baka sa paghaharimonan pa kayo

mapapahamak.

 

Gayunman, nililinaw ng FDA na kung

mayroon man,

Mga gamot na sa ‘online media’

idinadaan…

Tiyakin n’yo lamang na sa anunsiyo

nakalagay

ang Licence number ng pharmaceutical at

kung ito ay nasaan.

 

Mayroon din ngayong Online Reporting

para sa mga itinuring na illegal online selling…

I-REPORT sa www.fda.gov.ph. ang gagawin

sa center for drug regulation 809-5596

ang kokontakin!



(Si Edwin Eusebio ay araw-araw na naririnig sa DWIZ 882 am Radio)

Comments are closed.