MAG-INGAT SA PAGBILI NG KATOL

PINAG-IINGAT  ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko laban sa pagbili at paggamit ng katol o mosquito coil pesticide product na matagal nang ipinagbabawal dahil sa panganib na posibleng dulot nito sa kalusugan ng consu­mers.

Ayon kay Retired Police Gen. Allen Bantolo, chief ng Regulatory Enforcement Unit (REU) ng FDA, hindi rehistrado sa kanilang tanggapan ang produktong  Wawang High Quality Mosquito Coil pesticide at matagal nang ipinagbabawal na ipagbili sa merkado, alinsunod na rin sa FDA Advisory No. 2017-034, na inisyu ni FDA Director General Nela Charade G. Puno noon pang Hulyo 11, 2017.

Nabatid na nagpasya naman ang FDA na mag-isyu muli ng warning laban sa naturang katol matapos na matuklasan ng mga tauhan ng FDA-REU na ipinagbibili pa rin ang naturang katol sa merkado.

Kamakailan ay sina­lakay ng FDA at ng Manila Police District ang Barangay 649 sa Baseco, Tondo, at natuklasang walong sari-sari store owners ang patuloy na nagbebenta ng nakalalasong katol. Nakumpiska mula sa kanila ng mga awtoridad ang 438 kahon ng Wawang High Quality Mosquito Coil pesticide.

Paalala naman ni Bantolo sa consumers na delikadong gamitin ang naturang produkto dahil hindi ito nasuri ng kanilang tanggapan, at maaaring nag-tataglay ng mga nakalalasong kemikal na makasasama sa kalusugan ng tao, at maging ng mga hayop.

“Said pesticide product has not gone through the FDA registration process and has not been issued the proper marketing authorization. And use of such product may pose potential health hazards to the consuming public,” ani Bantolo.

“The use of substandard and possibly adulterated household/urban pesticide products may result to adverse reactions including but not limited to skin irritation, itchiness, anaphylactic shock, respiratory disorders, endocrine complications, brain damage and organ failure,” paa­lala pa niya.

Pinayuhan din niya ang publiko na tiyaking bumili lamang ng mga produktong rehistrado ng FDA sa mga kilalang pamilihan upang matiyak na lig-tas ang mga ito. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.