MAG-UTOL, TIMBOG SA DRUG OPERATION

shabu

BATAAN – BALIK kulungan ang isang babae at kasama nitong nakalaboso ang kapatid na lalaki matapos umanong maaktuhang nagbenta ng shabu sa undercover police sa drug buy bust operation sa Brgy. Sta. Isabel, Dinalupihan.

Batay sa ulat ni Dinalupihan Municipal Police Station chief of police Lt. Col. Eduardo Guevara Jr. kay Bataan Police Director Col. Villamor Tuliao, nakilala ang magkapatid na suspek na sina Melo­dy at Rolly Manlulu Franco, pawang mga nasa wastong edad at residente ng nabanggit na lugar.

Sa ulat ng pulisya, target ng surveillance ang babaeng suspek na matunog umano ang pangalan na sangkot sa ilegal na droga.

Kaya ng magpositibo, agad ikinasa ang buy bust operation.

Tiyempong naroon din ang nakatatandang kapatid nitong lalaki na nasapul din sa operasyon, matapos mahulian umano ng sachet ng hinihinalang shabu sa pagririkisa ng mga pulis.

Nabatid na ang babaeng suspek ay kalalaya pa lamang at nakulong ng halos tatlong  taon sa Pampanga Provincial Jail sa parehong kaso ng droga.

Nakumpiska sa magkapatid na suspek ang apat  na maliliit na pakete ng hinihinalang shabu at marked money na ginamit sa buy bust. ROEL TARAYAO

Comments are closed.