BULACAN- ISA ang patay at isa ang sugatan makaraang saksakin ng apat na lalaking lasing sa bayan ng Sta.Maria sa lalawigang ito.
Sa report na tinanggap ni PNP Provincial Director Col.Relly Arnedo, nakilala ang nasawi na si Ramon Inot y Francisco, 27-anyos habang sugatan ang kapatid nito na si Rolan Inot y Francisco, 26-anyos ng Brgy. Tumana, Sta.Maria, Bulacan.
Nasakote naman ang mga suspek na sina Allan Quinao, 31-anyos; Ronie Begornia, 38-anyos; Rizaldy Ruiz Jr., 33-anyos habang nakatakas naman si Aguiela Quinao Y Valera, 31-anyos.
Sa imbestigasyon ng pulisya, ihahatid lang sana ng mga biktima ang kanilang naging kainuman na kinilalang si alyas Eddie nang bigla umanong harangin ng mga suspek na lango rin sa alak at walang sabi-sabi na inundayan ng saksak ang magkapatid.
Nahaharap sa kasong murder ang mga suspek at kasalukuyang nakakulong sa Sta. Maria Municipal Jail. THONY ARCENAL