CAVITE – UMAABOT sa P157,000 halaga ng shabu ang nasamsam makaraang masakote ang 10 notoryus na drug courier kabilang ang mag-utol sa magkasunod na anti-drug operation sa mga lungsod ng Bacoor at Dasmariñas sa Cavite kahapon ng madaling araw.
Isinailalim sa tactical interrogation bago sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 ang mga suspek na sina Ashly Egos y Beros, 29, ng Brgy. Molino 3, Bacoor City; Tarcelo Sombe y Delantar, 37, ng Brgy. San Nicolas 3, Bacoor City; Ma. Teresa “Tere” Torresy Trisvalles, 51; Noel Campillos y Bajamonde, 49, kapwa nakatira sa Villa Esperanza, Brgy. Molino 2; Rechel “Che Che” Pitpit y Nacario, 30, ng Soldiers Hills, Phase 2; Jay Alexander Sulit y Quiambao, 23, ng Sitio Platinum, Barangay Molino 3, ng Baccoor City.
Ayon sa pulisya, bandang alas-2: 45 ng madaling araw nang maaresto ang anim na suspek sa bahagi ng Villa Esperanza sa Barangay Molino 2 at Magdiwang Road sa Barangay Molino 3, Bacoor City.
Samantala, naaresto naman sa bahagi ng Barangay Sampaloc 4, Dasmariñas City ang apat na suspek na sina Jeffrey “Nognog” Gomez y De Jesus, 29; Ernie De Guzman y Jaloc, 28; at ang mag-utol na sina Liway Tablada y Quaderno, 26; at Joselito Tablada y Quaderno, 40, pawang nakatira sa nasabing barangay.
Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, nasamsam ang 19.14 gramo ng shabu na may street value na P157,080 kung saan isasailalim sa chemical analysis sa Cavite Provincial Crime Laboratory sa Imus City.
Habang pina-drug test at medical examination na ang mga suspek na pawang naghihimas ng rehas na bakal sa police detention facility. MHAR BASCO
Comments are closed.