TINIYAK kahapon ng National Food Authority (NFA) sa publilko na magandang klase ng bigas na mabibili sa halagang P27 kada kilo ang inilalabas ng ahensiya sa public markets.
Ayon kay NFA Administrator Judy Carol Dansal, pinangangalagaan ng ahensiya ang stocks sa pamamagitan ng magandang warehouse-keeping protocols at polisiya, aniya, ng NFA na maglabas ng rice stocks na ligtas at nasa magandang kondisyon.
Ginawa ni Dansal ang pahayag sa harap ng ulat na isang retailer sa Pasig mega-market ang umano’y nagreklamo sa poor quality ng NFA rice na kanilang ibinebenta.
Agad na sinuri ng isang opisyal ng East District Office ng NFA, na siyang may hurisdiksiyon sa Pasig area, ang kalidad ng NFA rice na ibinenta sa nasabing lugar, ngunit walang ‘poor quality’ na stocks na may masamang amoy at uod na naipakita ang retailer dahil naibenta na umano ito lahat.
“How was she able to sell all her NFA rice stocks if it was rotten? This only means there is ill will in the act of this particular re-tailer because all our accredited retailers know that we have a standing policy to replace bad stocks or if the quality is unacceptable,” ani Dansal.
Siniguro rin ni NFA-National Capital Region Director Carlito Co na ang lahat ng rice stocks na ipinamamahagi sa buong bansa ay sumasailalim sa regular quality audit at pest control measures.
Aniya, lagi nilang binibigyang-diin sa kanilang regular “Ugnayan” meetings sa mga accredited retailer na magagandang klase ng bigas lamang ang kanilang ibinebenta, at maaari nilang papalitan ang bad quality stocks.
“As shown in the news report, that complaint from the single Pasig market retailer was an isolated case. Other NFA rice retailers and buyers interviewed in the area attested to the good quality of NFA rice they sell and buy, respectively,” dagdag ni Dansal. PNA