MAGHAHATID NG PASYENTE DUMULOG MUNA SA ONE HOSPITAL COMMAND CENTER

HINIKAYAT  ng Malakaniyang ang publiko partikular ang mga mayroong dadalhing kaanak sa ospital na dumulog muna sa One Hospi-tal Command Center.

Ito’y dahil sa napupuno na ang mga ospital dahilan para mahirapan ang iba pang COVID-19 patients na maghanap ng ospital na matatak-buhan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, malaki ang maitutulong ng pagtawag sa One Hospital Command Center dahil sila ang magsasabi kung saan pang ospital mayroong bakante at puwede nilang pagtakbuhan.

Una rito, inihayag ng Malakaniyang na pinaplano na ang pakikipag-ugnayan sa  telecom companies para sa dagdag na linya para sa one hos-pital command upang mas maraming tawag na ma-accommodate. DWIZ882

5 thoughts on “MAGHAHATID NG PASYENTE DUMULOG MUNA SA ONE HOSPITAL COMMAND CENTER”

  1. 635716 145497Hi this really is somewhat of off subject but I was wondering if blogs use WYSIWYG editors or should you have to manually code with HTML. Im starting a weblog soon but have no coding understanding so I wanted to get guidance from someone with experience. Any aid would be greatly appreciated! 68071

Comments are closed.