Taong 2015 nang buksan ni Jennylyn Mercado ang business venture na bagay na bagay sa kanya dahil siya ang klase ng taong nangangailangan ng pampering dahil lagi siyang pagod sa trabaho. Ang Fit & Form Salon & Spa.
Matatagpuan sa Kamuning, Quezon City, mismong si Jennylyn ang pumili ng location location dahil madalas siyang dumaan sa lugar na ito na malapit sa GMA Network. Ang ‘Fit & Form’ ay tatlong palapag na gusali na nagki-cater sa Fashion, Salon at Spa.
Sa ground floor ng gusali, may showroom ng fashion finds kung saan matatagpuan ang mga pabolosong damit na perpektong perpekto sa kahit anong okasyon sa kahit anong edad. Mga damit na bagay, mababae man o lalaki.
Liban sa mga damit, sikat din sila sa mga mamahaling pabango at and cologne, make up, at iba pang kikay kits na dedicated para sa mga gusto nang maging maganda, mabango pa, plus meron din silang mga accesories and jewelry.
At dahil meron din silang mga eye wear, pa-check up na rin kayo ng mata for free, at para makapili na rin kato ng bagay na eyeglasses para sa inyo.
Sa second floor, matatagpuan ang salon and nail spa. Inviting ang ambiance at nakakaakit ang kulay na posh pink – napakaelegante ng kumbinasyong pink, black, gray at white.
Bukod diyan, may service din sila mula sa foot scrub hanggang hand scrub, paraffin, nail art, manicure and pedicure. Gumagamit ang Fit and Form ng mga de-kalidad na produkto sa kanilang Salon and Nail Spa.
Sa third floor, matatagpuan ang massage Spa where massage, facial at iba pang treatments. Napakagaganda ng mga super inviting rooms, at ayon kay Jennylyn, kahit abala raw siya sa mga projects, hindi siya pumapalyang bisitahin ang Fit and Form dahil gusto niyang hands on siya dito. — NV