MAGKAIBIGAN NILAMON NG ILOG

ILOG-1

BULACAN – HINAGPIS at panghihinayang ang namutawi sa bibig ng isang ina matapos malunod sa ilog ng Brgy. Taal ang kaniyang mga anak sa bayan ng Pulilan.

Tanging ang masayang larawan ni Reynan DC Bobis, 11-anyos alyas Renz na isang matalinong bata.

Base sa report na naganap ang pagkalunod sa pagitan ng alas-10 hanggang alas-11: ng umaga nito lamang Sabado.

Kasabay nito ay umapila siya sa kinauukulan na lagyan na ng bakod ang tabi ng ilog o kaya ay warning upang maiwasan na ang  disgrasya  sa ilog.

Habang namatay rin ang kaibigan nito na si Aaron Paningbatan, 11-anyos, pangalawang apo  ni Edgardo Macam, 64-anyos.

Inilarawan nito ang kanyang apo na isang masipag na bata at matulungin lalo na sa pagtitinda ng gulay.

Aniya, sinabayan ng kanyang apo ang kanyang pagpunta sa palengke para bumili ng kanilang ulam.

Kaya labis ang kanyang pagkabigla na tanging damit na lang ng kanyang apo ang umuwi ng bahay dala ng kaibigan.

Dahil sa pangyayari umapila rin si Macam sa mga lokal na opisyal sa kanilang bayan na lagyan sana ng warning sign ang natur-ang lugar upang hindi na maulit pa ang mga pagkalunod.

Kung saan marami na aniya ang nagbuwis ng buhay sa naturang lugar taon-taon.

THONY ARCENAL

 

 

Comments are closed.